Thursday, January 14, 2010

Ang Kasal!

Maaring sa iba
ang magpakasal ay sa papel lamang
upang maging masabing legal at kung
sakaling may sakunang maganap
ang asawa ay merong karapatang legal.
Ngunit marahil, nalilimutan ng marami,
bago magpakasal ang magsing-irog,
o magkasintahan,
kailangan merong pag-ibig na sangkot
dahil ang pag-ibig ang siyang bigkis
o tali ng isang relasyon lalo na sa kasal.

Kung walang pag-ibig,
hindi pwedeng ikasal,
pag-ibig na wagas at pangmagpakailan pa man
Ang kasal ay panghabang-buhay,
tulad din ng Pag-ibig,
panghabang-buhay.

Kung gusto mong makasal,
dapat may kasintahan kang
iyong minamahal ng wagas
at pang-habangbuhay,
dahil ang kasal di pwedeng pang-sandaliang oras lamang, ito ay pang-habang-buhay.