Ang Pari
Ang PARI. Sino siya o ano siya?
aking natatandaan noong kami ay inordenahan bilang mga diyakono ni Bishop Chito Tagle, DD sa aming seminaryo sa Tagaytay, sa kanyang homily nagtanong siya, ano ba ang Diyako? Ano bang klaseng animal ang dyakono? Nakakatawa pero kung ito'y pagninilayan ay tunay mo ngang maitatanong ano nga ba ang diyakono? Ang Diyako ay isang taga paglingkod, katulong at taga pangalaga. Siya ay isang taga-paglingkod lalong lalo na sa mga mahihirap sa siyang binibigyang kiling ng simbahan, ng mga naaapi, mga binilanggo at nabibilanggo, sa mga nagugutom at walang matuluyan, sa mga naghihikahos at mga ulila. Siya ay katulong, mayordomo ng pari, sa lahat ng gawain ng simbahan. siya ay tagapangalaga sa kabuhayan ng simbahan. Ngunit hindi ang diyakono ang gusto kong pagnilayan kundi ang buhay ng isang pari. Ano ba ang Pari, animal ba siya o tao? Kung ang Pari ay tao ang dapat na katanungan ay hindi ano kundi mas mabuti na gamitan ang tanong na sino? Sino ang pari at ano ang kanyang buhay?
Ang Pari higit sa lahat ay isang tao, may damdamin, sariling pag-iisip, marunong magpasya at malaya. Ngunit ang isang pari ay itinangi, ibinukod sa karamihan bunga ng isang ordinasyon at malayang pagpapasya upang ilaan ang sarili sa paghahandog sa dambana ng Diyos at pagmamahal sa kanyang bayan kahit ang ibig ipakahulugan nito ay ang paghahain ng sariling buhay bilang sakrisyo ng bayan ng Diyos. Ang Pari ay may malayang damdamin upang madama at maipadama ang isang sagradong pagmamahal na bumubukal mula sa isang pusong malayang nagmamahal. Siya'y may sariling pag-iisip upang maunawaan at unawain ang kahulugan at mga simbolo ng bawat pangyayari at mga nangyayari sa kapaligiran upang ito'y maiangkop sa mga kaganapang naaangkop sa larawan ng Diyos. Ang Pari kadalasan ay mali sa paningin ng nakararami dahil siya mistulang isang muog na tumutuligsa sa mga bagay, pangyayari at tao na tumataliwas sa kanilang panawagan bilang isang tao na nilikha mula sa larawan ng isang Diyos. Ang Pari ay nagpapasya hindi sa kung ano ang sinasabi ng nakararami kundi ano ang idinidikta ng mga salitang nagbibigay buhay. Ang Pari ay malaya na laging piliin ang higit na makabubuti at maglalagay sa kaayosan ng lahat, siya ay malaya na laging manatili sa isang makikipag-usap sa Manlilikha, at hayaang siya ay iugoy ng Kanyang pagmamahal.
Ang kanyang buhay ay malungkot sa paningin ng iba ngunit maligaya sa paningin ng Isa. Ngunit marami ang di nakatatarok sa kanyang mga sakripisyo at pagmamahal, sa kanyang mga pagdaralita at mga impit na pagluha, mga lungkot sa likod ng paningin dahil marami ang nagbibingi-bingihan sa kanyang mga pagdaing. Katulad ni Kristo sa kanyang mga impit na sigaw, walang nakarinig ni nakabatid dahil ang impit ay itinago at ipininid sa mga panalangin.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home