Thursday, September 21, 2006

joon's photo essay

paglalakbay

ang buhay ay isang pakalakbay, minsan mahirap at minsan maalwan
ngunit kadalasan ang buhay ay mahirap maunawaan, minsan masaya, minsan malungkot, kadalasan masalimuot, minsan naman maaliwalas. Kadalasan maproblema, minsan naman mistula bagang ang gaan-gaan mabuhay. Buhay saan nga ba ang tungo, saan ba ang hantungan?
Minsan maitatanong mo, meron bang buhay pagkatapos mamamatay, pero magandang malaman muna, ano ba ang kamatayan? Ano ba ang meron sakabila ng kamatayan, ito rin ba ay tulad ng buhay na isang paglalakbay, mahirap din ba o maalwan, masaya rin ba o may kalungkutan, meron din bang problema o ang lahat ay masaya at puro kagalakan, masarap bang mamamatay tulad ng sinasabi natin na kahit mahirap ang buhay pero masarap ang mabuhay???
Ewan, meron na bang namatay na nagsabing ang sarap mamamatay, saan ba ang tungo ng kamatayan? Sabi nila ito ay tutungo sa buhay na walang hanggan. Ano naman ang mayroon sa buhay na walang hanggan? mahirap din ba doon o puro saya? meron din bang mga problema o lahat maligaya, papaano tayo makararting doon... sabi nila iyon daw ay mistulang paraiso... pero ano ba ang paraiso? May namuhay ba sa paraiso? Ay ewan ang alam ko ngayon ako ay buhay at masarap ang mabuhay ngayon.