Monday, February 13, 2012

5th sacerdotal anniversary: YOBEL Class

Noong ika-3 ng Pebrero ay ginunita ko at ng mga kaklase ko sa Yobel Class ang aming ika-limang taon ng pagka-pari. Sa biyaya at awa ng Diyos ang labing-tatlong inordenahan ni Cardinal Rosales sa Tagaytay limang taon na ang lumilpas ay buo pa rin at ang lahat ay pari pa rin, maraming salamat sa Poong Maykapal na tumawag at humirang sa amin upang magpahayag, maglingkod at sumaksi sa mabuting balita ng Panginoong Hesukristo at sa kanyang buhay. Hindi madali ngunit at lahat ay nagiging magaan sa mga suporta at panalangin ng mga taong nagmamahal at nakakaunawa sa aming piniling buhay, buhay relihiyoso at buhay misyonero.
ang Panginoon ay patuloy na magbigay sa amin ng mga biyaya na aming kailangan upang mamuhay kami ng may kabanalan at tapat sa aming mga sumpa.
Panginoon, salamat po sa mga biyaya at pagpapala. Patuloy Nyo po kaming gabayan at patnubayan ilayo sa lahat ng masama at palaguin sa karunungan at pag-ibig. Nawa ang biyaya at paggabay ng Espiritu Santo ay manatili sa amin, manahan sa amin at maging buhay namin.
Ppuri sa Ama, at sa Anak at sa Espiritu Santo ngayon at magpasa walang hanggan. Amen.