Monday, September 19, 2011

Ang "ATE"

Paano ba ilalarawan ang isang "ate"?

Sapat na bang sabihin na siya'y aking nakakatandang kapatid,
Sapat na bang sabihin na siya'y minsan nag-alaga sa akin noong ako ay bata pa,
Sapat na rin bang sabihin, inaruga nya ako kahit minsan.

Bakit ba merong "ate"?
Sino ba siya sa buhay ng isang bunso?
Ano ang papel nya sa buhay ko?

"ATE" isang salitang binubuo ng tatlong titik
ngunit kung bibigyan ng kahulogan
lalo na kung ang basihan ay pagmamahalan
ang isang ate ay may malalim na kahulugan.

...