Stella Maris Alternative School
Ito ang Stella Maris Alternative School na matatagpuan sa Brooke Side, Bagong Silangan, Payatas, Quezon City. Isang araw ako'y napasyal sa lugar na ito sa pagtugon sa isang paanyaya ng kaibigan kong madre mula sa kongregasyon ng Franciscan Missionary of Mary o FMM. Sila kasi ang namamalakad sa eskwelahang ito, itinayo nila ito sa hangarin na tulungan ang mga bata mula sa Broke Side. Ang Broke Side ay isang komunidad na pinag-tulong-tulongang itinatag sa layuning bigyan ng isang maayos na tahanan ang mahihirap na kababayan na ang kabuhayan ay mamulot ng mga basura upang maging panawid-buhay.
Sa aking paglibog sa komunidad ng Broke Side, aking napansin ang aliwalas ng mga mukha ng mga tao na kahit na sa kabila ng katutuhanan na sila ay sakbibi ng kahirapan. Aking napansin ang ngiti sa sulok ng kanilang mga labi at ang magalang nilang pagbati sa isang istranghero at bisita ng kanilang komunidad.
Matapos ang mga taong ito ay natulungang maitayo ang kanilang mga sariling tahanan, maliit ngunit maayos at desenteng tahanan na angkop para sa isang tao oo nga't kapos, hangarin ay maiahon sila sa kahirapan. Ngunit sa papaanong pamamaraan sila ay maka-aahon, ito ang naging katanungan, sa mga magulang medyo mahirap ang kasagutan ngunit sa mga bata ang tugon ay mabigyan sila ng wastong kaalaman. Paaralan ang kailangan upang sama-samang hulmahin ang bagong pangarap na kaunlaran.
Isang alternatibong paaralan ay angkop upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga kabataan, dahil may kahinahaan dahil sa kakulangan ng nutrisyon, ang lahat ng naka-unawa at may kakayanan at nagsama-sama sa pagtugon at nagkapit-kamay na tumulong, Stella Maris, ang tala sa umagang tumatanglaw sa madilim sa gabi, nag bigay ng bagong pag-asa sa mga anak ng Broke Side.
Stella Maris Alternative School - pinamamahalaan ng mga madre mula sa FMM, sa tulong ng mga taong may paglingap sa kapwa, mga volunteer teachers, mga magulang, komunidad at mga pribadong tao, magpatuloy sana ito na maging kadluan ng karunungan ng mga batang broke side upang ang kaunlaran ay kanilang matamo.
Labels: Stella Maris Alternative School