Thursday, November 26, 2009
Paghahanda!
Aking naaalaala noong ako po ay bata pa, kapag kami ng aking mga kapatid ay nagkukulitan at nagiging magulo sasawayin kami ng aming ina at lagi niyang sasabihin sa amin, “Humanda Kayo, pag ako’y nakalapit dyan, matitikman nyo!” Syempre bata, di agad magpasaway hanggang kami ay makatikim ng kanyang ipinagbabanta sa amin, isang pinong-pinong kurot sa aming balat na halos mag sugat.
Ngayon po ay nasa huling araw na tayo sa ating liturhikanong kalendaryo at bukas, araw ng lingo ay pasisimulan na ulit nating ang bagong araw ng bagong panahon, papasok na ulit tayo sa adviento, ang panahon ng paghihintay sa pagdating ng ating Mananakop, ang ating Panginoong Hesukristo.
Kaya nga angkop lamang sa ating ebanghelyo ngayon na marinig natin ang paalaala o babala ng ating Panginoon, “Humanda kayo!” Maging alisto sa lahat ng sandali, oras, araw at pagkakataon, maging mapagmatyag.
Ika nga ng isang brodkaster sa radio at telebisyon, “Hoy! Gising!” Huwag aantok-antok o patulog-tulog at laging manalangin para sa katatagan upang ating malampasan ang ano mang pagsubok ng buhay na ito at mamalaging tapat sa pagsunod sa kalooban n gating Panginoon. Huwag tayong mapapagod sa paggawa ng mabuti at maganda para sa kapwa tao. Lagi tayong magsikhay o masumikap sa paglapit sa Diyos.
Nagbigay na sa atin ng babala an gating Panginoong Hesus, huwag tayong maging kampante sa ating buhay sa paghihintay sa Kanyang muling pagbabalik, kailangan nating kumilos at gumawa para ang lahat ng tao ay makarinig at maka-alam sa kagandahang loob ng maykapal, upang ang lahat ay maka-pagpuri din at makapagpasalamat sa Kanya. Magsumikat tayo at maging matalino, maghanda at ihanda ang sarili dahil ang ating Panginoon ay darating muli, di bilang isang musmus na bata kundi bilang hari at hukom na hahatol sa ating lahat.
Ipanalangin natin na tayo ay maging mapapalad, mga pinagpala, mga taong hinirang upang makapiling ang Poong Maykapal bilang gantimpala sa ating pagpupunyagi sa buhay na ito. Huwag sana tayo maging mga sawing-palad dahil sa ating kapalaluan at katamaran. Matanggap nawa nating ang katiwasayan at kaligayan sa piling ng Diyos.
Humanda, magmatyag at maging alisto sa lahat ng sandali sa pagdating sa pagdating ni kristong Hari, guro at pari.