Sunday, March 14, 2010

svd mission awards' night


- noong gabi ng enero 29 ng kasalukuyang taon,
ako ay dumalo sa isang okasyon na tinawag na mission awards - isang gabi ng pagpaparangal sa mga natatanging tao na naging instrumento sa pagpapalaganap ng gawaing misyon, unang-una misyon ng Diyos, ikalawa - misyong ng mga misyonerong SVD at ikatlo ang misyon ng mga SVD sa Pilipinas.

-ang mga misyonerong SVD ay isang-daang taon ng nalalagi sa Pilipinas, at sa loob ng isang-daang taon na ito, ang mga misyonero ay nakaranas ng mga samo't saring karanasan na sa halip makapagpahina ng kanilang kalooban dahil sa hirap at sakit na kanilang naranasan ay bagkos nakapagpatibay ay nag-patatag pa nga ang mga ito ng kanilang damdamin at nakapagpalalim ng kanilang intensyon na palawigin pang higit ang kanila paggawa ng kagandahang-loob sa iba't-ibang panig ng kapuluan ng bansa. nagsimula silang tumanggap ng mga bagong kasapi upang higit na mapabilis at maging makabuluhan at maayos ang kanilang gampanin.

halos sa buong kapuluan ay mababakas ang yapak ng mga SVDng misyonero, sa simbahan, paaralan at mga semenaryo na kanilag itinatag at pinamahalaan ng may kababaang-loob at katalinuhan, marami ang naka-saksi at patuloy na sumasaksi sa mga gawaing ito, ngunit hindi pa tapos ang gawain masyado pang marami ang dapat magawa pero kumukulang pa ang mga manggagawa...

kung meron pa sana na nais makibahagi sa gawain ng mga misyonero at maki sangkot sa misyon ng Diyos, ito'y makakagaan ng kalooban...

kung imumulat lang ang mga mata sa kapaligiran... ang tainga ay tatanggalin ang bara at makikinig sa sitwasyon ng lipunan, ang palad ay ibubukas upang hayaang dumaloy ng may kalayaan ang kagandahan-loob, idampi ang mga daliri sa mga labi ng mga uhaw at nagugutom... kung hahayaan ang mga paa na tahakin ang landas ng kawanggawa at pagpapalaya... ito ay pag-asa...

isang-daang taon tila baga kahapon lang, ang mga sandali'y kagya't na lumipas, halos makatakas ng di namamalayan dahil ang bawat isa'y abala at di magkanda-ugaga sa paggawa... salamat sa Diyos... isang daang taon lumipas ngunit ang misyo'y nananatili pa rin sa aming harapan... maaaring mukha'y nagbago ngunit ang pag-ibig ay nag-uumalab pa rin ng tuluyan... aming dalangi Poon huwag sanang alisin ang alab sa puso at patuloy na padalisayin pa...

sa buhay na ito di sana namin asamin ang gantipala mula sa kapwa kundi ipagkaloob sa amin kung humantong na sa iyong dambana...

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home