Saturday, July 24, 2010

Paalam II

PAALAM...

Paalam ate Jocelyn at Ken
mga kataga na may lungkot at pait
ngunit ito'y kataga rin ng paglaya at katatagan
kataga ng pasasalamat at pag-asa
kataga ng pag-ibig at pagsinta.

Paalam ngayo'y sasambitin
Sa taong naging malapit sa kin
Sa taong sa twina'y bukas ang puso at palad
sa paglingap sa kapwa na sawing-palad
sa kapwa'y mukha ng Diyos ang kapara.

Sapagka ngayon sayo ay Paalam
Mapasakandungan ka nawa ng Poong Dakila
na may gawa ng langit at lupa,
mga luha sa mukha at palitan nawa ng kapayapaan
at kagalakan,
at kami'y aasa sa pagdating ng oras,
tayo'y muling magkakasama-sama
sa kaharian ng Poong Ama.

Saturday, July 03, 2010

PAALAM

Ang Buhay nga naman
Kay daling lumipas.
Noong isang araw lamang
may kwentuhan pa
at puno ng buhay.

Merong mga tawanan
kwentuhan ng nakaraan
balik-tanaw sa aral ng buhay
bigayan ng mga paalaala sa buhay
at tanungan ng mga plano at mga gawain.

Noong isang araw lang,
nagkokodakan pa,
posing dito, posing doon,
sari-saring smile, at halakhakan
minsan pa nga naghaharutan.

habang naglalakad magkaakbay  pa
minsan-minsan nagkikilitian
at walng ano-ano'y nagbubungisngisan
ah, kay saya naman ng nagdaang mga araw.

Ilang oras lamang ang nagdaan
nasaan na ang taging ting ng mga tawa
at halakhakan bakit tila tumahimik ang paligid
tila nagbabadya ng mga luhang darating.

Sino ang makakapagsabi
sinong mag-aakala
ito na pala ang huli
ito na pala ang the end...
wala na...

Oo nga't noong isang araw lamang
puno pa ng saya
at ngayon wala ka na
baunin mo sana saan ka man mapunta
mga pinagsaluhan saya
at ikaw ay umasa
mananatili ka dito twina...

PAALAM...